• Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)

  • By: Jaimerie Mortaud
  • Podcast
Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)  By  cover art

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)

By: Jaimerie Mortaud
  • Summary

  • Ang channel na ito ay nagsasalaysay ng mga istoryang narasan ng mga tao noong sila’y sumakabilang buhay at iba pang mga patotoo tungkol sa mga kababalaghan na sumasang-ayon sa Bibliya. Layunin po ng podcast na ito na bigyan kayo ng pag-asa at kaalaman tungkol sa buhay na naghihintay sa atin kung tatanggapin natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas. Malalaman din ninyo ang mga kamangha-manghang gawain ng Panginoong Hesus sa kasalukuyan sa pamamamagitan ng mga tunay na karanasan.
    Jaimerie Mortaud
    Show more Show less
Episodes
  • Atheist Ako At Nagkamali Ako
    May 2 2024

    Atheist Ako At Nagkamali Ako

    Episode 76- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan


    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Donald. Si Donald ay isang doctor at nasa kaniya na ang lahat at dahil dito madali para sa kaniya ang hindi maniwala sa Diyos. Sa loob ng limang taon, may kaibigan siyang Kristyano na patuloy na nagsasabi sa kaniya tungkol sa pag-ibig ni Hesus, pero nakikipag-debate lang siya dito hanggang sa dumating siya sa bingit ng kamatayan at hinanap niya ang kaibigan. Pakinggan po ang detalye ng karanasan ni Donald.

    Show more Show less
    14 mins
  • Ang Gantimpala Ko Sa Langit
    Apr 25 2024

    Ang Gantimpala Ko Sa Langit

    𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 75 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Maria. Isa si Maria sa mga naunang nagkasakit ng Covid noong 2019 sa New York at ito ang kaniyang ikinamatay. Sa kaniyang pagkamatay, napunta siya sa langit at ipinakita sa kaniya ng Panginoon ang kaniyang gantimpala at kung bakit siya ginatimpalaan. Gayunman, pinili ni Maria na bumalik sa lupa. Alamin kung bakit mas pinili ni Maria na bumalik sa lupa kahit nandoon na siya sa langit pagkatapos makita ang ang kaniyang gantimpala. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.

    Show more Show less
    30 mins
  • Pro-choice Ako Hanggang Sa Makita Ko Ito
    Apr 18 2024

    Pro-choice Ako Hanggang Sa Makita Ko Ito

    𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 74 - 𝐒 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Patricia. Dating Pro-choice si Patricia at bago siya naging assistant sa abortion clinic, tatlong abortion ang pinagdaanan niya. Dahil sa nakita niyang mga karima-rimarim na mga insidente at mga bagay sa loob ng abortion clinic, hindi na natahimik ang kunsens’ya ni Patricia. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.

    Show more Show less
    42 mins

What listeners say about Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)

Average customer ratings

Reviews - Please select the tabs below to change the source of reviews.